Mga Halaman na Sumusunod Sa Ating Utos
Introduksyon
Ang mga halaman ay sumusunod sa araw sa kanilang pagtutubo, kasi nagbibigay ito sakanila ng tamang sustansya para sa pag ganap ng potosyntesis. At ginagamit din natin ito sa sarili nating mga pakinabang para sa iba't ibang mga paraan. Bumubunga din dito ang mga iba't ibang prutas na puwedeng kainin. Para sa iba namang halaman puwede na sila mismong kakainin, ang tawag sa mga ito ay gulay. Sa susunod na mga larawan ay makikita yung iba't ibang mga paraan na kung paano natin minamanipula ang mga halaman sa sarili nating mga pakinabang.
 |
| Ang Silweta ng Kalabaw |
 |
| Ang Kalabaw na Walang Trabaho. |
 |
| Pinutol Na, Kinulong Pa. |
 |
| Panganib Sa Kapaligiran |
 |
| Harangan sa Paglago ng Buhay |
 |
| Sa Ilalim Ng Puting Ilaw, Hindi Sa Dilaw Ng Araw |
 |
| Si Ave Maria na Nagbibigay ng Mahal sa Kalikasan |
 |
| Potosintesis Sa Loob Ng Kwarto |
 |
| Hinahangaan Lang Dapat, Hindi Binubunutan |
 |
| Papawiin Ko Ang Inyong Pagkauhaw |
 |
| Hagdanang Munting Bundok |
 |
| Ang Nagmamahal Na Mga Puno |
 |
| Bonsai-ang |
 |
| Pandekorasyon Lamang |
 |
| Mananakop |
Konklusyon
Ang lahat ng mga hayop at organismo na nabubuhay ay mayroong mga sari-sariling nilang tungkulin sa ekosistema ng ating daigdig. Mayroong mga hayop na kumakain ng kapwang niyang hayop kagaya ng leon, oso, at lobo. At sa huli, kinakain rin sila ng mga hayop na ito sa paraan na tinutubuan ng halaman ang lupa na kung saan namamatay sila. Nagiging pagkain sila ng mga hayop na kumakain nito kagaya ng baka, kambing, usa, at iba pang kumakain ng halaman. Iyan ang isa sa mga batas ng kalikasan mula pinakasimula ng panahon at iyan ang katotohanan para sa lahat. Hanggang sa pagdating natin at inangkin natin ang karamihan ng lupain sa nakapaligid natin. Hanggang sa nasakop natin ang buong mundo, at ang kalikasan na mismo ay nakikipaglaban sa pagbubuhay niya. Nag imbento tayo ng agricultura, domestikasyon, at natuto rin tayong tumubo at mag tanim ng sarili nating mga halaman. Nananalo tayo sa tunggalian natin sa kalikasan, nilagay pa nga natin siya sa tanikala. Pero minsan rin siya'y nagrerebelde sa pamamagitan ng mga bagyo, lindol, at iba pang mga likas na kalamidad. Kasi babalik talaga saatin ito lahat sa pinakahuli. Dinudumihan natin ang kanyan tubig, babahain tayo ng sarili nating basura. Kinakalbo natin siya, sa pagpuputol natin ng mga puno niya para sa pagtayo ng mga gusali natin, ipapatutumba niya ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng mga lindol, tsunami, at sa pagsabog ng bulcan. Pinapatay natin ang kapit-bahay nating tumitira rin sa mundong ito para sa sarili nating mga interes at negosyo. Baka sa balang araw lahat sila'y magsasama-sama, at papatayin nila tayong lahat, dahil matagal na natin silang pinepeste. Hindi saatin lang mundo na ito, may mga kapit bahay rin tayo. Kaya dapat natin itong tandaan para hindi tayo sumisi sa pinakahuli.
Comments
Post a Comment